2023-11-14 13:04:52.0 Edgar Halog

MAGPAHULI UPANG MAUNA!

"Maraming mga una na magiging huli, at mga huli na mauuna" (Marcos 10:31).
Ang pagsunod sa sariling kalooban, sa halip na sa kalooban ng Dios, ay tanda ng PAGMAMATAAS sa Dios. Iyan ang kahulugan ng "una". Inuuna mo ang iyong sarili.
Samantala, ang pagsunod sa kalooban ng Dios, sa halip na sa sariling kalooban, ay tanda ng PAGPAPAKUMBABA sa Dios. Iyan ang kahulugan ng "huli". Ihinuhuli mo ang iyong sarili.
KAYA KUNG NAIS MO ANG MAUNA, IKAW AY MAGPAHULI.

Copyright 2021 Edgar Halog | Web Design by WebToGo Philippines