2023-02-20 11:56:28.0 Edgar Halog

Ang TUNAY at Ang PAIMBABAW na PAG-IBIG

Ang Valentine’s Day, ayon sa kinasanayan ng sanlibutan, ay araw ng mga-puso o araw ng pag-ibig. Bagama’t ito ay mayroong anyo ng pag-ibig, ang pagdiriwang ng ganitong mga araw ay humahantong sa pag-ibig na paimbabaw tulad ng iba pang mga araw ng pag-ibig, gaya ng Pasko para sa Panginoong JesuCristo, ang araw para sa inyong mga ina, ama, kapatid, mga lola at lolo, at marami pang ibang tulad nito. Hindi ko sinasabing kasalanan ang pagdiriwang nito kundi, isa ito sa mga paraan ng sanlibutan, na pinamamahalaan ng Diablo (1Ju 5:19), upang ilayo kayo sa katotohanan at sa tunay na pag-ibig. Alam ninyo na ang pag-ibig na mula sa Dios ay ang pag-aalay ng inyong buhay (Ju 15:13; 1Ju 3:16) para sa inyong mga minamahal. Ang pag-ibig na ito ay hindi ipinakikita o ipinadarama sa isang araw lamang kaya’t wala itong bahid ng kapaimbabawan (Ro 12:9; 1Ti 1:5). Sa inyong pakiki-isa sa pagdiriwang ng mga araw na pinahahalagahan ng sanlibutan, nakiki-isa kayo sa kanilang kapaimbabawan. Mapanganib ito para sa inyong pananampalataya sapagkat ang sinomang nakiki-isa sa sanlibutan ay hindi nakiki-isa sa Dios (San 4:4). Hindi na kyo mga taga sanlibutan (Ju 15:19) upang mamuhay ayon sa kanilang mga kinagawian kundi, kayo’y mga dayuhan na, matapos tubusin ni Cristo mula sa sanlibutan. Kaya mamuhay na kayo bilang mga dayuhan (1Pe 2:11) sa sanlibutan na inyong ginagalawan.

Sumainyo ang karunungang hatid ng banal na espiritu.

 

 

Copyright 2021 Edgar Halog | Web Design by WebToGo Philippines