2022-06-08 18:23:56.0 Edgar Halog

Bulaang Mangangaral, Paano Makikilala?

Ang Dios ang maglalapit sa iyo sa katotohanan upang makilala mo ang tunay na mangangaral at ang tunay na Cristo (1). Gayon din naman, ang Dios din ang maglalayo sa iyo mula sa mga bulaang mangangaral at bulaang cristo.

Paano? Nalalaman ng Dios ang nilalaman ng iyong isip at puso. Ang sinomang nagnanais tuparin ang kalooban ng Dios, ipauunawa sa kaniya ng Dios kung ang aral na hatid ng isang mangangaral ay mula sa Dios o nagsasalita lamang ito ng mula sa kaniyang sarili (2).

Samakatuwid, kailangang ipakita mo muna ang taos-pusong pagnanais na tuparin ang kalooban ng Dios, upang ang Dios mismo ang maglapit sa iyo sa katotohanan, at sa tunay na mangangaral, at sa tunay na Cristo.

Kung patuloy mong hihingin at hahanapin ang katotohanan, ipagkakaloob sa iyo ito ng Dios (3).

------                    

Mga Batayan:

1. Juan 6:44; Juan 6:65)

2. Juan 7:17

3. Lucas 11:9-13

 

 

Copyright 2021 Edgar Halog | Web Design by WebToGo Philippines