2022-06-08 18:19:47.0 Edgar Halog

Paano Mo Dapat Ibigin Ang Dios

Kung ang pinaka dakila at unang utos ay ibigin mo ang Dios ng higit sa lahat (1), paano mo mapatutunayan ang iyong pag-ibig?

Ang katunayan ng pag-ibig sa Dios ay ang pananampalataya mo na ialay ang iyong buhay (2) sa isang tipanan, na magtitiwala at isasagawa ang Kaniyang kalooban (3,4). Walang pag-ibig sa Dios na mas dakila kaysa rito (5).

At dahil kalooban ng Dios na sumampalataya ka kay Cristo (6) at ibigin ang iyong kapwa (7), ang pagsasagawa nito ay katuparan ng iyong pangako sa inyong tipanan.

Pagpalain kayong pinagkalooban ng karunungang makilala ang kaibahan ng katotohanan sa kasinungalingan.

______________

Mga Batayan:

1. Mat 22:37-38: ““Ibigin mo and Panginoong Dios ng buong puso at ng buong kaluluwa at ng buong pag-iisip. Ito ang pinakadakila at unang utos.”

2. Ro 12:1: “… ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Dios – ito ang tunay at karapat-dapat na pagsamba ninyo.”

3. Gen 17:1: “Ako ang Dios na makapangyarihan; lumakad ka ng matapat sa harapan ko at mamuhay nang matuwid.”

4. Heb 11:8: “Dahil sa pananampalataya, sinunod ni Abraham ang utos ng Dios na pumunta sa lugar na ipinangako sa kanya. Umalis siya sa bayan niya kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta.”

5. Ju 15:13: “Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kaniyang buhay...”

6. Gal 2:16: “Ngunit alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay JesuCristo at hindi sa pagsunod sa mga gawang kautusan. Kaya nga kami ay sumampalataya rin kay Cristo Jesus upang ituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa mga gawang kautusan. Sapagkat walang sinomang maituturng na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa mga gawang kautusan.”

7. Mat 22:39: “Ang ikalawang pinakadakilang utos ay katulad din nito: ‘Ibigin mo ang iyong kapwa katulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

8. Heb 8:10: “’Ito ang tipan na ipakikipagtipan ko sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon’, sabi ng Panginoon. ‘Ilalagay ko sa kanilang pag-iisip ang aking mga utos, at sa kanilang mga puso ay isusulat ko ang mga iyon. At ako ang magiging Dios nila, at sila ang magiging bayan ko.’”

-End-

 

 

Copyright 2021 Edgar Halog | Web Design by WebToGo Philippines