2022-06-08 14:14:08.0 Edgar Halog

Bagong Taon, Bagong Buhay, At Ang Wakas Ng Iyong Walang-Katapusang Bagong Simula

Ang bagong taon ay naghahatid ng pag-asa para sa isang bagong panimula at sa isang bagong buhay. Ngunit maging iba nawa ang taong ito sa iyo, pagkat kung wasto ang paraan, ang bagong buhay na ipinapangako mo ang wawakas sa dati'y walang katapusan mong mga bagong simula.

Ang Tipan na Maging Masunurin sa Dios ang magkakaloob sa iyo ng espiritu ni Cristo at samakatuwid, ng kapangyarihang wakasan ang dati'y mga bagong simula na walang kawakasan, upang matupad mo ang layunin ng iyong pagkalikha.

Pagpalain kayong mga pinagkalooban ng karunungan na makilala ang kaibahan ng katotohanan sa kasinungalingan.

 

Copyright 2021 Edgar Halog | Web Design by WebToGo Philippines